Magagandang Tanawin sa Pilipinas
MAGAGANDANG TANAWIN SA PILIPINAS
Maraming tourist spots ang matatagpuan sa Pilipinas. Mayaman ang ating bansa sa yamang kalikasan. Nasa baba ang ilan sa mga ito. Alin man ang pasyalan sa mga lugar na ito ay paniguradong makakapagbigay saya! Tara na at gumala!
El Nido, Palawan
Ang El Nido, Palawan ay isa sa pinakamagandang beach sa Pilipinas. Makikita rito ang natatanging seacrapes ng Palawan. Maraming
tropical birds and naninirahan sa mga marble cliffs ng El Nido.
Cordillera Rice Terraces, Banaue, Ifugao
Ang Banaue Rice Terraces na matatagpuan
sa Ifugao ay mga hagdan-hagdang palayan na inukit sa kabundukan ng ating mga
ninunong Ifugao. Ang kultura ng mga Pilipino sa pagsasaka at payak na pamumuhay
ay naipapakita ng mga palayan na ito.
Chocolate Hills, Bohol
Kamangha-manghang landform ang naipapakita ng Chocolate Hills. Kulay berde ito pag tag-ulan at kulay tsokolate naman pag tag-init. Matatagpuan din sa Bohol ang Tarsier at Loboc River.
Boracay, Aklan
Ang Boracay Island ay matatapuan sa probinsiya ng Aklan.
Kilalang kilala ito dahil sa mapuputing buhangin sa beach nito at sa asul na
asul na karagatan. Madaming dayuhan ang nagpupunta dito dahil sa kasikatan at
kagandahan ng lugar.
Bangui Wind Farm
Ang Bangui Wind Farm na matatagpuan sa Bangui, Ilocos Norte
ay kinatatayuan ng 20 units ng 1.65 MW wind turbines na nakahelera sa
dalampasigan ng Bangui Bay. Dahil sa ganda ng istrukturang ito ay naging pasyalan
na rin ito ng mga Pilipino at maging ng mga dayuhan.
Great Santa Cruz Island, Zamboanga
Ang Great Santa Cruz Island ay nasa Zamboanga City. Nagiging popular ang destinasyon na ito dahil sa pagiging isa sa mga Pink Sand Beaches sa buong mundo, pero bukod tanging Pink Sand Beach sa Asya. Nakilala rin to nuong 2017 bilang one of the 21 Best Beaches in the World ng National Geographic.
Comments
Post a Comment